Sa ikatlong pagkakataon, babalik sa Manila si superstar LeBron James ng NBA champion Cleveland Cavaliers.

Sa Setyembre 8 at 9 ay muling makikita ng fans ang three-time NBA champion at four-time MVP para sa LeBron James Tour Manila 2016.

Ilang aktibidad ang nakalinyang salihan ni LeBron, kasama na ang LeBron James Battle the Doubt Night sa Huwebes (Setyembre 8) ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sasabak din si King James sa Battle the Doubt Bootcamp, ang one-day basketball clinic na pa­ngangasiwaan ng Nike coaches at mga atleta.

Unang bumisita si LeBron sa Manila noong 2013 sa WitnessHistory Tour ng Nike rin.

Bumalik siya noong isang taon sa Nike Rise.

Para makasali sa LeBron James Tour Manila 2016, maaaring makibahagi sa online promo ng Nike. Maaa­ring manalo rito ng exclusive invitation sa Battle the Doubt Bootcamp (Set­yembre 8 afternoon session) o pares ng tickets sa LeBron James Battle the Doubt Night.