LeBron, Cavaliers nakabangon

Tila hindi alintana ni LeBron James ng Cleveland Cavaliers ang matinding depensa ni Jonas ­Valanciunas ng Toronto Raptors sa NBA action, Martes (Manila time) upang ihatag sa Cavs ang 116-112 panalo. (AFP)

TORONTO — Sawata na ng Cleveland Cavaliers ang pagdurugo nang malagare ang malakas na pagpapakaba ng Raptors bago naihulma ang 116-112 victory­ sa 71st NBA 2016-2017 season eliminations Martes (Manila time) sa Air Canada Toronto rito.

Nagbalumbon si LeBron James ng 34 points, ­nakapain si Kevin Love nang mahalagang double-double na 28 points at 14 rebounds para makaeskapo ang Cavaliers mula sa three-game slide.

Gumiling pa si Kyrie Irving ng 24 points sa pag­hablot ng Cleveland ng 14th win sa 19 games.

Pero nawala sa Cavaliers si J.R. Smith nang maaga­ sa laro sanhi ng injury, nasaktan ang guard sa left knee makalipas ang jump shot sa first quarter.

Importanteng panalo ito reigning champions ­Cavaliers makalipas ang mga pagtilapon sa Milwaukee­ Bucks at sa Los Angeles Clippers.

Nagpader si DeMar DeRozan ng 31 points at si Kyle Lowry na lang ang tangi pang Toronto starter na umabot sa double figures sa 24 sa panig ng Toronto.

Gayunman, may solidong kontribusyon ang bench players. Nakaiskor ng 21 si Terrence Ross, 19 si Patrick Patterson, 12 si Cory Josep, at 10 si ­Lucas Nogueira.

Sa ibang laro, hindi nagpaawat si Klay Thompson nang umiskor ng season-high 60 points sa panalo ng Golden State Warriors kontra Indiana Pacers, 142-106.

Sa first half pa lang ay kumamada na si Thompson ng 40 points.

Samantala, wagi ang Utah Jazz laban sa Los ­Angeles Lakers, 107-101.

Habang umiskor naman ang Charlotte Hornets ng 109-101 win kontra Dallas Mavericks. At ang Portland Trail Blazers ay tinakasan ang Chicago Bulls, 112-110.