Bago hinarap ng Lakers ang Clippers Biyernes ng gabi, gumawa ng ingay sa social media si LeBron James nang pumasok sa locker room na may bitbit na baso ng wine.
Day-to-day pa rin ang four-time MVP dahil sa mild left groin strain na nakuha sa 127-101 rout ng Lakers sa Golden State noong Christmas Day.
Nakadalawang laro nang lumiban si James, wala din nang masilat ang Lakers sa Sacramento 117-116 noong Huwebes.
Biyernes ng gabi ay nasa bench lang si LeBron, naka-street clothes at saksi nang takbuhan ng Clippers ang Lakers 118-107.
Out din si Lakers veteran guard Rajon Rondo, aabutin ng isang buwan na magpapahinga matapos operahan ang kanang hintuturo.
“I know we can get through it (injuries sa key players),” ani coach Luke Walton. “I know it’s not going to be easy, but I believe in the guys that we have. We’ve just got to do a couple of things a little bit better.”
Kontra co-tenants sa Staples Center, pumupukpok pa ang Lakers pero napigil nang matawagan ng kani-kanilang fourth foul sina Brandon Ingram at Lonzo Ball sa third. Mula roon, iniskor ng Clippers ang final 9 points ng quarter bago itinuloy ang pananalasa sa fourth.
“A lot of us ran out of gas right there,” suma ni Kyle Kuzma na umiskor ng 24 sahog sa 19 ni Ball. “When we’re tired physically, our mental aspect has to be better.” (VE)