Lebron, Giannis may tribute pa kay Kobe

Lebron, Giannis may tribute pa kay Kobe

Uniform ang tribute at support ng Team LeBron at Team Giannis sa 69th NBA All-Star Game 2020 kay Kobe Bryant at anak niyang si Gianna.

Sa Game ngayong araw sa United Center sa Chicago, gagamit ng No. 24 sa kanilang jerseys ang Team Giannis para kay Kobe. Ang Team LeBron ay No. 2 para kay Gianna.

Lahat ng participants sa Rising Stars Challenge noong Biyernes at 3-point, slam dunk at skills competition nitong Sabado ay may patches ng Nos. 24 at 2 na pinalibutan ng 9 stars para sa siyam na biktima ng helicopter crash noong Jan. 26.

Tanging 9 stars na lang ang patches na gagamiting sa Game ngayong araw, dahil Nos. 24 at 2 na ang players.

“He was the Michael Jordan of our generation,” ani Giannis Antetokounmpo. “He was one of those guys that gave back to the game so much, gave back to the players. A lot of people when they’re so great, they don’t do that. There was a quote that said that talent is worthless if you’re not willing to share it, right? And he was one of those guys that was sharing his talent with us. He’s going to be definitely missed.” (VE)