Nagpahanap ang NBA superstar na si Lebron James ng magandang pinay at mayroon siyang kinuntsaba, kinausap na gawin ito para sa kanya.
Ayon sa aking bubwit, kinulit ni James ang kanyang ninong na Pinoy na multi-millionaire na ihanap siya ng magugustuhan niyang kapareha kaya itong ninong niya ay naging abalang talent scout ng magiging kapareha ni NBA superstar. Ang napili ni ninong para sa kanyang inaanak ay maganda, sikat at very busy sa showbiz career.
Ang napili ni multi-millionaire ninong na ipatikim este ipakilala kay Lebron ay actress, model, endorser-influencer at tv show host. Hindi just-just ang taste ni ninong para sa kanyang inaanak na ‘Kano at natural ‘yun kasi si multi-millionaire mismo ay napakataas ng standards sa mga bagay-bagay kaya ‘matic nang hindi niya papasahan ang NBA superstar ng hindi primera klase.
Ayon sa aking bubwit, talaga namang nag-effort si ninong para ihanap ang kanyang inaanak ng request nito. Nag-research ng husto si ninong ng mga bago sa paligid, nagtanong-tanong sa kanyang mga konek at tinimbang kung sino ang puwedeng umubra sa panlasa ni Lebron.
Sa bandang huli, sabi ng aking bubwit, nagdesisyon si multi-millionaire ninong na ang aktres na nangunguna sa kanyang listahan ang sigurado siyang matitipuhan at magugustuhan ng pinakasikat na player ngayon sa US.
Gusto n’yo bang malaman kung magkano ang perang pag-uusapan ‘pag si aktres ang ihahatag este ipakikilala kay Lebron? talaga bang gusto niyo malaman? Tumataginting lang naman na P15M. Ibang klase si actress ang laki ng taripa mo ha, bakit kasi alam mong paldo ang ninong ni Lebron hehe.
Ang tv host-actress-model na nahanap ni Pinoy multi-millionaire para sa inaanak niyang si NBA superstar Lebron James na P15M ang talent fee ay mestiza, kaliwa’t-kanan ang endorsements at mayroon itong isang parte sa kanyang mukha na ‘yun pa lang ay pasabog na.