LeBron huwarang asawa, tatay kaya nag-numero 2

LeBron huwarang asawa, tatay kaya nag-numero 2

Family man si LeBron James – asawa, tatay.

Pinili ni James ang No. 2 para gamitin ng lahat ng players niya sa Team ­LeBron sa All-Star Game sa Peb. 16 sa United ­Center sa Chicago.

Para ito kay Gianna, ang 13-anyos na anak ni Kobe Bryant na kasama ng Lakers great at pitong iba pa na namatay sa helicopter crash noong Jan. 26 sa Calabasas, California.

Ang Team Giannis ni Giannis Antetokounmpo ay magsusuot naman ng No. 24 bilang tribute kay Kobe.

No. 2 ang gamit ni Gianna sa Mamba team ni Kobe sa Mamba Sports Academy.
“They asked me which number did I want to wear, the 24 or 2 for my team, and I picked 2,” paliwanag ni James.

“Zhuri,” simpleng sagot ni James nang matanong kung bakit No. 2, patungkol sa limang taong gulang na anak na babae.

Nakita ni LeBron kung gaano kaimportante ang pamilya at pagiging ama ni Kobe. Sa tatlong taon matapos magretiro, napansin niya kung gaano kasaya ang kaibigan kasama ng asawa at mga anak.

“To see him these last three years just being … y’all see ‘GirlDad,’ the hashtag. I’m a girl dad. My brother right here (Anthony Davis) is a girld dad,” dagdag ni James.

Sa Peb. 6 ang All-Star draft, pipiliin nina James at Antetokounmpo ang starters at reserves ng kani-kanilang teams. (Vladi Eduarte)