Iuupo ng Los Angeles Lakers si LeBron James sa road game kontra Golden State ngayong araw.

May sore groin si James, ayon sa injury report ng team nitong Miyerkoles.
Sa Instagram, nag-post si LeBron ng photo nang liparan niya at dak­dakan si Josh Hart ng New Orleans Pelicans sa 118-109 win ng Lakers­ noong isang araw.

Nasa baba si Hart, mukhang tumama sa kanyang ulo ang ibabang bahagi ng katawan ni LeBron.

Christmas Day ng nakaraang season, inabot ng groin injury si James kontra Warriors din. Naging dahilan iyon para maupo siya ng 27 game at napagsarhan sa playoffs ang LA. Nakabalik siya pero iginarahe na ng team pagdating ng March.

Ngayong season, nakakadalawang absent pa lang si LeBron.

Hindi na masyadong kakailanganin ng Lakers­ si LeBron kontra Warriors.

May Anthony Davis na pupuntahan ang Los Angeles. Nangungulelat­ din naman sa West ang Golden State sa 12-46 card, samantalang namamayagpag sa conference ang Lakers sa 44-12.

May luxury din si coach Frank Vogel na balasahin ang starting lineup.

May Rajon Rondo at Avery Bradley siyang puwedeng pagsabayin sa backcourt, sa 3 si Danny Green. (Vladi Eduarte)