Sinorpresa ng Phoenix Suns si LeBron James, pinaguwardiyahan ang Los Angeles Lakers star kay 7-foot-1 center Deandre Ayton.

Nakuha pa rin ni James ang mga karaniwang numero niya, pero nadiskaril siya nang tangkaing ibalik ang Lakers sa dulo.

Nagsumite si Ayton ng 26 points, 10 rebounds at walang kapagurang pambubulabog kay James para hiyain ang Lakers 118-109 Sabado ng gabi.

“That was a fun game,” pahayag ni Ayton na pinalabo na ang tsansa ng kalaban sa playoffs. “I’m going to sleep well tonight.”

Kitang dismayado ang four-time MVP na si James sa depensang inilatag ng Suns, kasama na ang kabiguan ng sariling team na sumabay sa worst team ng NBA.

Naiiwan ang LA ng 14 may 6:06 pa, umiskor si James sa three-point play, nagsalpak ng 3-pointer bago sinUbuan ng corner 3 si Brandon Ingram. Sinundan niya ng isang dakdak mula baseline para ilapit ang Lakers 112-109.