Isa si LeBron James sa ilang high-profile athletes na naglabas ng galit sa social media sa pagkamatay ng isang “unarmed black man” na makikita sa video na nakahandusay at tinukuran pa ng tuhod ng isang police officer sa kanyang leeg.

Apat na Minneapolis police ang agad tinanggal sa katungkulan dahil sa insidente kung saan ang nakaposas na si George Floyd madidinig na ilang ulit na nagmakaawa habang habol ang hininga sa pagambit ng “Please, I can’t breathe, please, man.”

Pinahayag ng four-time NBA Most Valuable Player na si James sa kanyang Instagram, ang pagkakatulad ng kaso kay former NFL quarterback Colin Kaepernick, na lumuhod habang isinasagawa ang US national anthem upang iprotest ang racial injustice.

Naka-post ang litrato ng officer na nakasiksik ang tuhod sa leeg ni Floyd katabi ang litrato ni Kaepernick na nakaluhod din habang tumutugtog ang national anthem bilang miyembro ng San Francisco 49ers. May caption itong “This … … Is Why.”

Sinulat pa ng Los Angeles Lakers star, “Do you understand now!? Or is it still blurred to you? #StayWoke”.

Nagalit ang din ang marami pang taga-sports sa insidente na inaasahang madadagdag sa “Black Lives Matter” movement na nagsimula sa serye ng US police sa mga unarmed black men.

“Worlds honestly sickening. It really is….. no explanation,” sabi sa Twitter ni three-time Pro Bowl NFL receiver Odell Beckham Jr. ng Cleveland Browns.

Nag-tweet si Basketball Hall of Famer Lisa Leslie, “If anybody that follows me is not outraged about these senseless attacks on black men, please stop following me! If your spirit is not disturbed, please stop following me!”

“This inflicted Pain but it will never inflict fear… sorry, were not made like that! #BlackMenMatter,” giit niya.

Sumiklab ang Minneapiolis riot matapos na libong protesters ang napalaban sa mga pulis habang nananawagan ng hustisya sa pagkamatay ni Floyd. (Lito Oredo)