Lebron nangopya ng TV show, kinasuhan

lebron-james11

May sinikwat umanong napakahalagang bagay sa loob ng barberya si LeBron James.

Ito ang bintang ng isang kompanya laban sa NBA superstar ng Cleveland Cavaliers matapos nakawin umano ang kanilang ideya para sa TV show nitong ‘The Shop’.

Sa pormal na reklamo ng Adventure Enterprises na natunugan ng TMZ Sports, nagbigay umano sila ng ideya kay James sa loob ng dalawang taon kaugnay ng talk show na papangalanan sanang ‘Shop Talk’ kung saan iniinterview ni James ang mga celebrity habang ginugupitan sa loob ng barbershop.

Gayunman, matapos ang dalawang taong pag-uusap kaugnay sa proyekto ay sinibak naman umano ng kompanya ni LeBron na UNINTERRUPTED ang kanilang ahensiya at nagpatuloy sa nasabing proyekto na hindi sila kasali.

Paliwanag pa ng Adventure Enterprises, nakipag-ugnayan na sila sa mga tao ni James at humingi lamang umano ng pasensiya ang mga ito at nangakong hindi na mauulit ang pangyayari.
Pero naulit umano ang isa pang segment ng ‘The Shop’ na umere naman sa ESPN.

Dahil dito, hinihiling sa korte ng Adventure Enterprises na ipatigil ang anumang susunod na episode ng ‘The Shop’ at humihingi ng danyos sa kompanya ng basketbolista.