LeBron tatagay, Trae nababagot

LeBron tatagay, Trae nababagot

Sinuma ni Trae Young ang araw-araw ng mga player na hindi makagalaw kahit suspendido ang NBA season dahil sa coro- navirus.

Bored, ayon sa kanyang one-word tweet. Nababagot na sila, kaya pa- ra-paraan kung paano palili- pasin ang oras. Halos lahat may reaksiyon o post sa social media. Si LeBron James, naghahanap na ng katagayan.

Siyempre, madali siyang makakahanap ng a-assist. “I need a vino drinking partner,” aniya. Si Tacko Fall, bored din. Nasa TikTok, kung gusto niyang makita kung paano gumalaw ang isang 7-foot-5 center na magtataka ka kung sumasayaw o nagka-karate. Hindi nagpahuli si Ja Morant, nag-TikTok din.

Si Thaddeus Young, naglatag ng gadgets at may caption: “Game night with the family for the next 2 weeks… stay safe people.” Si Serge Ibaka, hinarap ang mga gawaing bahay. Kinamada niya ang mga hugasan sa lababo, sinalansan ang mga plato, baso at kubyertos, at dinakdak ang mga basura.

“Who said NBA players can’t do chores at home? Well now I have to anyway! Stay safe and stay at home everyone!” aniya. Si Jaren Jackson Jr., nagawang alaskahin ang Memphis Grizzlies teammate na si 6-footer Tyus Jones.

“We’re gonna be so hyped when (basketball) is back than even @1Tyus might dunk,” biro niya. (VE)