Lee, Barroca, Jalalon pambulabog ng Magnolia sa Alaska

Dalawang teams na may matitinik na backcourts na nagmamando at pinagsisimulan ng atake.

“Two defensive mindset teams with very good locals in the backcourt. I think the best backcourts in the PBA,” suma ni Aces guard Chris Banchero. “They’ve got tough guards on their side, but we also have some really good guards as well. It will be a fun matchup.”

Makakatuwang ni Banchero sa guard rotation ni coach Alex Compton sina JVee Casio, Ping Exciminiano at Simon Enciso.

Sa Hotshots ni coach Chito Victolero sina playmakers Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon at Justin Melton.

“Both teams have almost the same style, which is defense,” pakli ni Lee.

Si Jalalon, inihanda na ang sarili sa mas matinding kayod.

“Tingin ko, talagang kailangan naming magtrabaho dahil sa amin inaasahang magsimula ang defense ng team,” aniya. “Kami nagse-set ng tone para sa energy ng team.”

Sa 16 games mula eliminations hanggang semifinals, nangunguna ang Hotshots sa points allowed na 94 points lang. Pangatlo ang Aces sa 96.2.

Nagbibigay lang ang Magnolia ng 34.6 percent shooting sa mga nakalaban kumpara sa 36 percent ng Alaska.

Masusubukan ang Hotshots kung paano nila pipigilin ang Aces na umiiskor ng 102.25 points per game. Hindi nalalayo ang Magnolia na may 102.06 average.