tonite-annyeong-rose-garcia
Kumpara sa kanyang high profile South Korean/Hollywood actor-husband na si Lee Byung Hun, hindi man dire-diretso pero nakakagawa pa rin ng mga South Korean film at drama ang South Korean actress na si Lee Min-jung.
Lee Min-jung ay asawa ni Lee Byung Hun.
Nagpakasal sila noong August 2013, barely after a year na nagkabalikan sila from their break-up last 2006.
As we all know, nag-concentrate si Byung Hun ng ilang taon sa paggawa ng mga Hollywood films, habang si Min-jung naman, pinagpatuloy ang kanyang career sa Korea at nagsilang ng kanilang baby boy noong 2015.
Tulad ni Byung Hun na nag-comeback sa k-drama sa pamamagitan ng “Mr. Sunshine” ng tvN ngayong 2018, si Min-jung din ay balik drama sa pamamagitan ng “Fate and Fury.” Ang hu­ling ginawa niya ay noong 2016 na “Come Back Mister” ng SBS kunsaan, nakatambal niya ang South Korean actor/singer na si Rain.
Sa November 25 episode ng “My Ugly Duckling” ay naging special guest ang actress. Obvious sa mga hosts kung gaano sila ka-interesado na malaman kung paano ang buhay mag-asawa with a husband as high profile as Byung Hun.
Aliw ang pagiging open ni Min-jung nang tanungin ito ng isa sa mga host na si Shin Dong-Yup kung nagkaroon daw ba ito ng not-so-good awakening about an ideal marriage life.
Sabi ng aktres, “It wasn’t an awakening so much as being disappointed. I like eating meals slowly, but my husband eats really fast. When we were newlyweds, if I was slow in setting the table, he would finish his meal in five minutes before I could even finish laying out the side dishes. He has a big mouth so he can put a lot in at once. Once he finished his rice while I was bringing out the stew. I was really shocked at that time.”
Anyway, nagulat naman kami nang mabasa ang mga comment ng mga netizen sa lumabas na artikulong ito ng aktres sa soompi.com. Diumano’y may isyu raw na nag-cheat noon si Byung Hun kay Min-jung. Naisyu ito sa isang model. Pero itinanggi naman daw ito ni Byung Hun.
Ilan sa mga nabasa naming comments, “Lee Byung Hun wasn’t being very considerate when he cheated on her either so I wouldn’t expect him to be thoughtful when it comes to just food.”
Isa pang komento ng netizen, “Even in his previous relationship he didn’t treat Song Hye Ko well. Lee Min Jung is from a rich family but she made a bad choice.”
Sa isang banda, sa kabila ng may ganitong isyu sa mag-asawa, intact pa rin ang kanilang marriage life.