tonite-annyeong-rose-garciaPangit ang naranasan ng South Korean actor na si Lee Jong Suk sa naganap na fan meeting niya sa Jakarta, Indonesia. Ito ‘yung ‘Crank Up Fan meeting Tour’ na ginanap sa Kasablanka Hall noong November 3.

Grabe ang naranasan niya sa airport ng Indonesia. Na-detain siya at mga staff niya ng ilang araw sa isang hotel malapit sa airport. Hindi sila pinayagang umalis at kinumpiska rin ang kanilang mga passport.

Nakabalik na sina Jong Suk at mga staff niya sa Korea nang payagan na silang makaalis noong gabi nang November 5. Kahapon, November 6 ay naglabas ng official statement ang kanyang agency na A-Man. Balak din nilang magdemanda.

Bahagi ng kanilang statement:

“We plan to respond with firm legal action against the agencies and local promoter who caused this incident through law firm Yulchon (lawyer-in-charge Ahn Jung Hye) and all countermeasures hereafter will be conducted through the law firm. We will only embrace the love and support shown by the local fans. We apologize once again to the drama production company, all of the staff members, and to the public for causing concern. We, the agency and [Lee Jong Suk] will repay the interest and love all of you have shown the actor through more sincere promotions.”

Sa isang banda, napaka-rare na pangyayari ang naganap na ito kay LJS. Kilala ang mga Korean sa pagiging istrikto pagdating sa pagtanggap ng mga show or fan meeting, lalo na sa ibang bansa. May factor din ba ang pagtayo niya ng sariling agency na baka in the process, may mga na-overlook na dapat na requirements?

Personal naming nakausap ang isang Indonesian. Tinanong kung ano talaga ang totoong balita sa bansa nila sa mga nangyari. Tulad sa mga lumalabas sa news like soompi.com at allkpop.com, nandiyang may isyu ng tax sa promoter.

At totoo nga rin daw na may lumabas na isyu tungkol sa visa.

Na instead na short working visa daw ang hawak ni LJS, parang pang-tourist visa lang, which is why, kung totoo nga ito, talagang magkakaproblema ang actor sa immigration. Mahigpit daw talaga ang Indonesian immigration sa mga ganitong kaso, lalo na sa visa.

Ilan naman sa mga napanood na­ming short video na kuha sa airport nang paalis na si LJS at staff niya, halatang talagang imbiyerna na ito sa nangyari sa kanila. Hindi na nito nakuhang ngumiti o kumaway sa mga fan niya sa Indonesia na labis na nag-alala sa naging kalagayan niya.

Anyway, siguradong mas may pressure ngayon sa fan meeting ni LJS sa Pilipinas na magaganap sa Araneta Coliseum sa November 18 at produced ng Pulp Live World.