Posibleng nakabalik na sa South Korea ang isa sa mga popular na South Korean actor na si Lee Jong Suk mula sa naging matagumpay na “Crank Up Manila Lee Jong Suk Fan Meeting”. Ginanap ito sa Araneta Coliseum noong Linggo, November 18.
Pang-huli na pala ang Manila sa series of fan meeting ni Jong Suk at naniniwala kaming totoo ito sa sinabing memorable ang huli niyang fan meeting dahil sa raming dumating.
As expected, hindi naman pinagamit nang buo ang Araneta Coliseum dahil hindi na pina-occupy ang general admission seats, instead, hanggang sa upper box na lang. But, still, considered one of the successful fan meeting ito, in terms of attendance talaga.
Sabi nga ng actor, “It’s true that I’ve been in a lot of fan meetings around the world. I know you guys are worried because of the bad incident that have happened.
“I was actually also scared myself. But anyway, I’m still very grateful to have been able to see you guys, and I think it was really a good decision to come here.
“I won’t forget your warm love and support for me. And I don’t know when we’ll be able to see each other again.
“But even then, I still love you and I’m so, so thankful.”
Walang duda, na ang tinutukoy ni Jong Suk na bad incident at pinanggalingan ng takot niya ay ang naging huling fan meeting niya halos dalawang linggo pa lang ang nakararaan sa Jakarta, Indonesia. Na-detain siya at ang staff niya. Kinuha ang passport nila dahil sa isyu ng kanilang visa.
At base sa pagsasalita nito, tila napaisip siguro kung itutuloy pa ang fan meeting sa ‘Pinas. Masaya nga ito sa nakitang sobrang init na pagtanggap sa kanya. So, tama lang ang naging desisyon niya na tumuloy sa ‘Pinas.
Halos buong isang oras yata ay nagsilbing question and answer.Tina-translate ng translator ang mga sagot niya sa english.
Panay ang tili at hindi mapigilan ng mga fan ang kilig tuwing ngingiti o kakaway ito.
Kumpara sa ibang fan meeting, pansin namin na matipid sa game with the fans. Isa lang ang naging game sa kabuuan nito. Halatang na-touch naman si Jong Suk sa isang fan na napiling maglaro na nagsabing na-inspire siya sa aktor kaya itinutuloy niya ang kursong law.
Isang prosecutor kasi ang role ni Jong Suk sa huling drama nito na “While You Were Sleeping” na isa sa tumatak din sa mga fan niya. Bukod pa sa ibang drama niya tulad ng “W” at “Pinocchio”. Personally, nagustuhan naman siya sa “Doctor Stranger.”
Nagpamalas naman ito ng talent sa pagtugtog ng piano at kapag nagkakamali ay nangingiti na ikinakikilig lang ng mga fan. Tinapos niya ang fan meeting sa pamamagitan ng pakikipag-groufie sa mga fan at pagkanta ng dalawang kanta.
Although nagpahiwatig na si Jong Suk na mukhang pansamantalang mawawala (though hindi nito sinabi kung bakit, pero posibleng ang mandatory military service ang tinutukoy nito na inevitable naman na ‘di pa niya gawin next year bilang 31 na ang Korean age niya) ‘Di kami magtataka kung kasama na ang Pilipinas sa mga pupuntahan niyang fan meeting sa susunod dahil sa nakita niyang napakainit na pagtanggap sa kanya.
Anyway, ipalalabas na next week ang ginawa niyang serye ang “Hymn of Death” at next year naman eere ang gagawin niyang “Romance Supplement ng tvN.