Kahit na matagal naman nang inaasahan na one of these days ay papasok sa mandatory military service ang South Korean actor na si Lee Jong Suk, naghatid pa rin ng lungkot para sa mga tagahanga ng actor.
Alam nilang dalawang taon din nila itong hindi mapapanood.
Kinumpirma na nga noong February 25 ang saktong date ng enlistment ni Jong Suk.
Sa March 8, mag-e-enlist si Jong Suk bilang public service agent. Hindi nag-qualify ang actor para sa active duty service. Nagkaroon ng car accident si Jong Suk noong 16 years old siya.
Dahil sa naging aksidente, nag-suffer siya ng raptured ACL (anterior cruciate ligament). Instead, ma-a-assign siya sa location by the Military Manpower Administration, kunsaan ay magiging reservist siya working as a public service agent.
Sa January 2, 2021 na ang magiging discharge niya.
Sakto naman ang naging date ng enlistment ng actor. Isang linggo pagkatapos ng magiging last filming niya ng kasalukuyang umeereng drama sa tvN, ang “Romance is a Bonus Book.” Kapareha niya ang South Korean actress na si Lee Na Young.