Lee Jong Suk at Suzy magkatuluyan

MATUTUWA ang mga fans ni Lee Jong Suk dahil sa kauna-unahang pagkakataon, mapapakinggan itong kumakanta ng isa sa mga theme song ng bago niyang Korean drama, ang While You We’re Sleeping ng SBS.

Natapos na raw nitong i-record ang isang OST ng pinag-uusapang serye nila ni Bae Suzy, hindi pa lang kumpirmado ang date ng release.

Hindi maiiwasan na may mga avid viewers na ng While You We’re Sleeping ang nagwi-wish na sana, puwedeng mauwi sa totohanan ang tandem nina Jong Suk at Suzy, pero alam nilang malabo itong mangyari ngayon dahil si Suzy ay in a relationship with Lee Min Ho.

Umpisa pa lang nilang gawin ang drama, may mga balita nang lumabas na nagseselos daw si Min Ho kay Jong Suk. Hindi nga kaya?

Lalo na at very single si Jong Suk ngayon at mismong mga tao sa production ang nagkukuwento kung gaano raw kalakas ang chemistry ng dalawa. At all prai­ses din si Jong Suk kay Suzy.

Ayon kay Jong Suk, “Sucy is lovable, char­ming girl so I was excited­ every moment of acting a melodrama with her. Wouldn’t you say she’s the greatest actress of our time? She’s beautiful.”

Isa si Jong Suk sa mga popular Korean actor ngayon who started his career in 2005 as a model­ and was the youngest male model to participate in Seoul Fashion Week.

Napansin nang husto si Jong Suk sa mga K-drama tulad ng Doctor Stranger, Pinocchio at W.