Lee Min Ho ayaw nang magpaalipin sa trabaho

Unti-unti ang ginagawang pagbabalik ni Lee Min Ho sa kanyang entertainment career. Simula ito nang ma-discharge siya mula sa kanyang mandatory military service.

Noong April 2019 pa siya na-discharge pero wala pa siyang ginagawang ano mang projects mapa-drama o movie man ito. Ang pinaka-latest update sa actor ay ang January cover ng Dazed magazine bilang cover.

Dito nakausap ang aktor sa mga plano niya. Ayon dito, second phase na ng career niya ngayon at kumpara dati, mas gusto raw niyang mag-focus sa health niya while working.

“Honestly, when I was in my 20s, I was a little careless about my health, but now I’ve begun to feel the limitations of my physical fitness. I’m paying special attention to the idea that I can get as much energy as I want as long as I take good care of myself.”

Akala rin daw niya, dahil more than a decade na siya sa showbiz, madali na lang ang lahat.

Sey niya, “Before enlisting in the military, I said this: ‘Thank you for joining actor Lee Min Ho in the first act [of his career].’ I’m over 30 now, I’ve had a hiatus, and I’m going to be starting over after being reset.

“I heard that regardless of the career, if I enter my tenth year, I’ll get used to it, but I don’t want to be like that. Compared to when I was in my first act, I have different attitudes and feelings about work.”

Nagpasalamat din ito na habang nasa social service work siya, halos araw-araw ay may mga fan na dumadalaw sa kanya. ‘Yung iba, galing pa ng ibang bansa.

“When I was a social service worker, I had a lot of fans who came to my place of service every day. I’m thankful for that. For now, I’m working hard as I think about paying back those expectations.”