THE day after na tumanggap ng award ni Bae Suzy sa 2017 Asia Artist Award ay bumulaga sa lahat ang balitang break na sila ng boyfriend na si Lee Min Ho.
Tumagal din ng mahigit dalawang taon ang kanilang relasyon. Though dalawang beses na rin nabalitang nag-break sila at pareho naman nilang pinabulaanan.
Sa pagkakataong ito, mismong mga talent managements na nila ang nagkumpirma na break na sina Lee Min Ho at Bae Suzy.
Ayon sa JYP Entertainment, kumpirmadong break na nga ang dalawa, pero ayaw nang i-divulge pa ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at para na lang daw sa privacy ng dalawa kung anuman ang totoong rason.
Sumunod namang nagbigay ng kumpirmasyon ang MYM Entertainment ni Lee Min Ho na kumpirmadong winakasan na nga nila ang kanilang relasyon.
Nag-trending din ang break-up news ng dalawa at ilan sa mga fans ay nagpahayag ng kanilang reaksyon.
May nagsabing matagal na naman daw break ang mga ito, pero ngayon na lang talaga lumabas.
Mayroon namang naniniwala na ang pagiging busy ni Bae Suzy bilang isang aktres at singer at si Lee Min Ho naman ay kasalukuyang nagsi-serve sa kanyang mandatory military service sa Gangnam District Office bilang Public Service Officer ang isa sa posibleng dahilan ng break-up nila.
Sa Korea, kadalasan na ang mga talent agency nila ang nagsasalita at nagkukumpirma ng mga balita sa mga Korean stars, kasama na ang kumpirmasyon kung may mga karelasyon na ang mga ito o naghiwalay na kaya walang kasiguraduhan kung magpapa-interview pa ba si Suzy tungkol sa kanilang break-up.
Kung titingnan naman si Bae Suzy sa naging appearance niya sa 2017 AAA, mukha naman itong masaya at naka-move-on na from the break-up.
Kasalukuyan pa rin siyang napapanood sa kanyang drama na While You We’re Sleeping.