Lee Min Ho lumabas na sa military

Lumabas na mula sa kanyang mandatory military service si Lee Min Ho noong April 24.

Sinalubong pa rin ang Korean actor ng mga tagahanga niya na may dalang balloons at ilang sign boards sa huling araw niya bilang public service worker.

Tahimik lang na idinaos ni Min Ho ang kanyang last day. Hindi rin ito personal na nagpasalamat at nagbigay ng maikling mensahe sa mga fan na nag-abang at sumalubong sa kanya sa Suseo Social Welfare Center.

Kumpara sa ibang nagsi-serve sa military bilang mga sundalo, si Min Ho ay nag-serve lang bilang public worker. Ang naging dalawang car accidents niya in the past ang naging dahilan kaya siya na-exempt to fulfill a full military service.

Dahil nasa Suseo Social Welfare Center lang, normal na rin na nakikita siya ng mga fan kung sasadyain o bibisitahin siya.

Ipinost naman ng actor sa kanyang Instagram account ang mga bulaklak na natanggap kasama ang kanyang aso at simpleng caption na, “thank you.”

Ilan sa mga mensaheng nakasulat, “Welcome back” at “We waited for you.”

Ayon sa agency ni Min Ho, ang MYM Entertainment, kasalukuyan pa raw na pinag-aaralan ng actor kung anong proyekto ang una nitong gagawin.