Lee Min Ho nag-comeback sa drama

Matutuwa na ang mga tagahanga ni Lee Min Ho dahil sa matagal nilang paghihintay. Finally ay kumpirmado na itong gagawa ng comeback niya sa drama.

Noong April 25 pa na-discharge ang Korean actor sa kanyang mandatory military service as a public service duty. Pero umabot halos ng anim na buwan bago siya tuluyang magbalik sa entertainment.

“The King: The Eternal Monarch” ang napili niya sa mga dumating na love calls sa kanya.

Ang writer na si Kim Eun Sook ang nagsulat ng drama. Tungkol sa dalawang parallel universe of a monarchy at democracy ang kuwento. Ginagampanan ng actor si Emperor Lee Gon at ang leading lady naman niyang si Kim Go Eun will take the role of detective Jung Tae Eul.

Ni-report din ng Sports Kyunghyang na ang naturang drama ay nagsimulang mag-filming noong October 24 sa North Chungcheong Province bilang isa sa main set ng drama. Nagsimula na ang shoot nito pero ang airing daw ng bagong SBS drama ay sa early 2020 pa.

In fairness, promising ang writer na si Kim Eun Sook bilang siya rin ang nagsulat ng mga hit drama tulad ng “Descendants of the Sun”, “Heirs”, “Goblin” at “Mr. Sunshine”. Ikalawang team-up na nila ni Lee Min Ho from the “Heirs” at gayundin sa lead actress na si Kim Go Eun na nakasama naman niya sa “Goblin”.