Lee Min Ho nag-IG Live sa Paris

Ginulat ni Lee Min Ho ang mga tagaha­nga niya nang bigla itong mag-Instagram Live. Tuwang-tuwa ang mga fan niya at sa loob ng limang minuto, may 63,000 views na ito agad.

Simula nang lumabas sa mandatory military service, tila nagpahinga muna ito. Hindi siya agad-agad tumanggap ng mga activities.

Tahimik lang din ang actor, although, may nababalita na bagong drama na magsisilbing comeback niya na napili raw gawin.

Si Lee Min Ho rin ang nagsabi na kasalukuyan siyang nasa Paris ngayon para sa isang shoot. Wala itong binanggit kung anong proyekto ang ginagawa niya.
“I’m in Paris right now. It’s 11 in the morning here. This is my first time doing an Instagram Live broadcast, and it’s pretty cool,” reaksyon niya.

Sabi pa ni Lee Min Ho, “If I turn this on, do all of my followers get notified? Is there a way to temporarily pause it?”

Ipinakita rin ni Min Ho ang look niya na hindi pa siya talagang naka-makeup at ‘yung naayusan na siya.

Masayang-masaya naman ang mga fan niya dahil nangako ito na ang ginawang IG Live ay hindi una at huli.

“You must have been surprised by my sudden live broadcast. I’ll try to turn it on more often and say hi to you all from now on.”

Well, there’s no doubt, he’s back at gusto niyang maramdaman na ito, lalo na ng kanyang mga follower.(Rose Garcia)