Lee Min Ho sa online nag-presscon

Nag- pilot telecast na ang comeback drama ni Lee Min Ho nu’ng Biyernes. Ito’y ang “The King: Eternal Monarch” ng SBS .

Hindi maikakaila na isang magandang regalo ang bagong drama ng actor ngayong may krisis ng COVID-19. Bukod dito, tatlong taon din naghintay ang kanyang mga tagahanga na muli siyang mapanood.

2016 pa ang huling drama niya na Legend of the Blue Sea. Noong 2017 ay pumasok siya sa mandatory military service . Kahit na-discharge siya noong March 2018, hindi pa rin siya tumanggap ng kahit anong drama.

Sa online na rin ginawa ang presscon ng kanyang comeback serye dahil may ECQ rin sa South Korea.

Ano ang nabago sa kanya ngayong nasa 30’s na siya?

“I took 3 years off, and it was a time where I could look back on my past self. I’m in a stance where I have to think about how to portray myself, not as a man in his 20s, but a man in his 30s. I thought that meant I had to show everyone that I’ve grown,” sey niya.

Inamin nito na matagal din daw niyang pinag-isipan kung ano ang bagong drama na gagawin niya sa kanyang pagbabalik .

“I did a lot of monitoring of my past years, and I did a lot of research and thinking about what direction I want to go in. I was worried, but when I got back on set, it didn’t feel unfamiliar. I felt comfortable. I thought to myself, ‘This is where I’m supposed to be.

“Once I got into my 30s, Lee Min Ho as a person found a lot more leisure. The leisure to only look at what’s important when working and perceiving people. I think that quality will benefit me greatly in my career as an actor as well.”

Kinakabahan din siya sa kanyang comeback drama kung magiging successful ito.