Lee Seung Gi, Bae Suzy waging best couple

Tinutukan namin ang SBS Drama Awards for 2019 noong December 31. Annual awards night ito ng tatlong leading networks sa South Korea. Meron din ang KBS at MBC.

Maingay na maingay ang pangalan ni Seung Gi bilang isa sa mga nominado sa Daesang Award. Ito ay pinakamataas na parangal na puwedeng matanggap ng isang Korean star.

Last year, si Seung Gi ang itinanghal na Daesang in Entertainment ng SBS Awards which made him the youngest winner of this award in Korean entertainment history. This year, sa internationally popular drama na “Vagabond” naman. Pero ilang linggo bago ang awards night at ma-interview ang aktor tungkol dito, nagpahayag ito na hindi raw niya gustong manalo ng Daesang drama. Pakiramdam nito, mas marami pang senior actors na dapat maparangalan muna ng naturang award.

Nagkatotoo ang wish niya dahil ang second to the highest award ang napanalunan niya sa SBS Drama Awards as Top Excellence Award for an Actor in a mini-series. Si Bae Suzy naman ang nanalo among the actresses for the same category, both in “Vagabond”.

Bukod dito, nanalo rin sina Seung Gi at Suzy ng “Best Couple Awards” for “Vagabond” for their great chemistry. Kahit pa “indirect” ang romance sa naturang drama.

Masaya ang mga fan sa Best Couple Awards nina Seung Gi at Suzy dahil ito raw ang gusto nilang mapanalunan.

Nanalo rin ang “Vagabond” ng “Hallyu Contents Award” at Best Supporting Actress para kay Moon Jeong Hee. Dahil dito, apat ang naiuwing tropeyo ng “Vagabond”.