Lee Seung Gi dawit sa Kim Bum-Oh Yeon Seo split

tonite-annyeong-rose-garcia

Isang araw bago ang Valentine’s Day ay breaking news ang break up nina Kim Bum at Oh Yeon Seo.

Naging news ang relasyon ng dalawa nang lumabas ang balita noong March 2018 na “dating” sila. That was the time naman na katatapos lang ng huling drama na ginawa ni Oh Yeon Seo, ang “Hwayugi” na katambal ang Triple Threat Star na si Lee Seung Gi.

Marami ang nagulat na silang dalawa na noon dahil parang ang bilis daw at paano nagkakilala. Late last year pa raw ang break up nila kaya ilang buwan lang din ang itinagal ng relasyon nila.

February 13 nang kumpirmahin ng agency ni Kim Bum na King Kong by Starship na break na ang dalawa. Nakasaad sa inilabas na statement na, “Kim Bum and Oh Yeon Seo decided to end their relationship late last year.”

Kinumpirma rin ito ng Celltrion Entertainment na agency naman ni Oh Yeon Seo, “It’s true that the two have ended their relationship. We cannot give the reason as that infringes on the actor’s personal privacy.”

Mixed reactions naman ang nabasa namin sa mga netizen sa break-up na ito. May ilang nanghinayang. Pero bakit parang mas marami ang natuwa, huh!

Ilan sa mga natuwa ay ang shipper ng “Hwayugi” fans. Maaaring fresh pa rin kasi sa mga fan ang “Hwayugi” since it’s still the last drama of Yeon Seo at gayundin si Lee Seung Gi.

May nag-comment na, “Sad to hear. Even I don’t know much about Kim bum, I started to like Oh Yeon Seo because of their team up of my beloved Lee Seung Gi. I hope team Hwayugi will reunite again.”

Pero maraming fan ni Seunggi ang nakikiusap na ‘wag na raw i-drag pa ang pangalan ng actor sa break up ng dalawa. May nagsasabi rin na move on na dahil mag-iisang taon na rin na tapos ang “Hwayugi.”