Kasalukuyang nasa bansang Morocco ang Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi para sa pagpapatuloy ng big-budgetted at pre-produced Korean drama na “Vagabond.” Kasama niya rito ang female lead na si Bae Suzy.
Ang balita ay nasa Morocco sila sa buong Oktubre para sa filming. Pagkatapos nito, may out-of-the-country shoot pa silang susunod sa Portugal. Pero ang ibang mga eksena ay sa South Korea na kukunan.
Simula nang tanggapin ni SeungGi ang Vagabond, madalas na siyang marinig na nagkukuwento tungkol dito. At mararamdaman kung gaano siya kabilib sa proyekto na bukod-tanging pakiusap niya sa kanyang mga tagahanga– to wait patiently.
Kung pagbabasehan ang mga lumalabas na report, kalagitnaan pa ng 2019 ito ipalalabas sa SBS network.
Ang isa sa producer ng Vagabond ay ang Hollywood studio na Sony Pictures. Kapag ipinalabas na ito sa Korea sasabay din sa America, Japan at iba pang bansa.
Bago umalis papuntang Morocco, lumabas na ang bagong issue ng L’ Officiel Hommes magazine Autum/Winter issue. Si SeungGi ang cover dito at featured siya sa mahigit sampung pahina ng magazine.
Isa sa napag-usapan ang Vagabond.
Aniya, “It was a 100% pre-production drama, so you can look forward to the content and the scenes which are full of integrity. My character Cha Gun is a realistic man, very straightforward.
“I gave up the dream of being a stuntman and changed my job to a trailer driver, raising up my nephew. However in a place crash, my nephew died and I found out it was not a accident but a terrorist attack. So I decided to take revenge.”
Among Korean stars, tinitingnan siya na “perfect” dahil nagagawa niya ang tatlong field– singing, acting at hosting.
Pero sa totoo lang, sino pa nga ba among the Korean stars ang nakakagawa ng mga nagagawa niya? Na sa loob ng 14 na taon ay nagi-excel sa tatlong fields. Dahilan kung bakit siya lang ang may titulong “Triple Threat Stars.”
Bilang actor, ang mga Hollywood stars na sina Leonardo ‘Di Caprio at Gary Oldman daw ang mga paborito niya nang tanungin ito kung paano niya idya-judge ang sarili bilang isang actor.
“My favourite actor is Leonardo ‘Di Caprio, his facial expression is amazing. I also like Gary Oldman, his action scenes are great! I think my voice and my look kind of match. However sometimes, I cannot understand the character thoughts deeply so I only act straightforwardly.
“I am watching Designated Survivor, an American drama recently and I get some inspirations.”
Not to mention, nag-debut siya sa edad na 17 at big hit agad ang kanta niyang “Because You’re My Woman.”
Ano na ang pangarap niya ngayon?
“I know I might sound weird but I really don’t have dreams. Even in my childhood, I don’t have a dream. My target is to work hard and keep working like what I am doing now. And I know, it’s an unusual target.”
Thirty-one siya ngayon, pero nakikita na ba niya ang sarili kung nasa edad na siya ng 50 taon?
“I think I will have a family by thatr time. I will have three adorable kids. I will also have friends that have the same hobbies with me and I will never get tired being with them.
“I will work hard to swim, do cross-fit and yoga like how I work hard for my career now. I will reflect myself like what I will do now.”
At sa huli, ayon kay SeungGi, “To be honest, I really did well in reflection. When I know I am wrong, I will correct it immediately. Then I will become better day by day.”