
Katulad nang inanunsiyo ng Triple Threat Star na si Lee Seung Gi sa kanyang Instagram account na leeseunggi.official, opisyal na ngang nagbukas muli ang kanyang home page na www.leeseunggi.com noong December 12.
Pansamantala itong hindi naging accessible sa mga fan niya dahil inayos at in-update rin ng kanyang management company, ang Hook Entertainment. Ilang buwan din ‘yun kaya ganun na lang ang naging pagkasabik ng “Airen” (tawag sa fan niya) nang mag-open ito, halos karamihan ay nag-visit talaga.
Sa naturang home page malalaman halos lahat ng news tungkol sa kanya, maging ang mga schedules nito. Dito rin namin nalaman na kahit na Christmas eve at Christmas day ay may taping ito ng kanyang SBS’ variety show na “All the Butlers.” Gayundin ang kumpirmasyon na magiging host siya ng Golden Disc Awards sa January 5.
Halos araw-araw ay may trabaho ito. Nandiyan ang shoot ng bago niyang TVC sa dalawa sa ini-endorsong produkto, ang Korean Bank at Brain Study. At fan signing sa December 19 para naman sa isa pang endorsement niya na “BlackYak.”
Tiyak na magugustuhan ng mga fan ang bagong homepage nito. Posibleng tumambay na lang dito dahil bukod sa iba’t ibang never-before-seen pictures, may video greeting din si Seunggi na mapapanood.
Sa video niya, sinabi nito ang mga bagong aabangan sa kanya sa taong 2019 at nagpauna na palagi raw bisitahin ang page niya dahil madalas din siyang magpo-post.
Sabi ni Seunggi, “Hi Airen!
“It’s me Lee Seung Gi!
“Last year I mentioned the renewal of our official website last summer. And finally, I’m pleased to announce through this video that the renewal is complete.
“I’m busily spending the final days of 2018 by taking part in tv dramas and tv shows.
“In 2019, I’m starting in a tv drama “Vagabond” as most of you will already know through various routes. In Vagabond, I assure you that you can see a role that I have never played before. In this sense, I hope you have high expectations.
“I myself, I’m also very excited to be playing such a role and also, I’ll be careful not to get hurt during the filming.
“Then, I’m taking part in the Netflix TV show, ‘You’re Busted.’ So I hope you take good care especially because the winter is expected to be extremely cold.
“I wish you all the best spending the end of the year happily.
“Also, don’t forget to visit our new website where I will be giving various news frequently.
“Thank you always, My Airen.”
Bukod dito, habang sinusulat namin ito ay lumabas din ang list of nominees para sa year-end SBS awarding at isa nga raw si Seunggi sa posibleng malakas ang laban para sa SBS Entertainment Daesang award sa variety show nito na All The Butlers.