tonite-annyeong-rose-garcia

Ang Triple Threat Star na si Lee Seun­g Gi ang nanalo sa pinakamataas na kategorya na “Grand Award” or the “Daesang Award” na ibinigay ng 2018 SBS Entertainment Awards para sa kanilang one year old variety show na “Master in the House”.

Matindi rin ang competition ng mga show na magkakasabay na ipinalabas noong December 28 nang gabi from othe­r networks pero nanalo ang SBS Entertainment Awards as the highest ra­tings during it’s time-slot. Bukod dito si Seung Gi ang Daesang winner, umabot sa 16.5% ang naitalang ratings.

Sa isang banda, hindi halos makapaniwala si Seunggi nang ang pangalan na niya ang inihayag na panalo ng isa sa mga top executive ng network. Hindi rin biro ang mga nakalaban ni Seung Gi sa kategorya, ang mga veteran entertainment/variety host na sina Yoo Jae Suk at Shin Dong Yup. Pero makikita sa mga ito ang kasiyahan sa pagkapanalo ni Seung Gi, lalo na ni Yoo Jae Suk na minsan nang pinahalagahan ang pagi­ging isa sa cast ng MITH ni Seunggi. Sey nga niya, presence pa lang daw nito sa show is already big.

Halata naman na kinabahan at teary-eyed na si Seung Gi nang mag-speech. Ito pa lang ang kauna-unahan niyang solo Daesang award sa 14 na taon niya sa showbiz – though, u­sually, the veterans or yung mga se­niors ang kadalasang nananalo ng Daesang talaga.

Bago mag-speech, inamin nitong he was shocked at ang bilis daw ng tibok ng puso niya. Pero sa kabila nito, isang mahaba at very meaningful speech ang ibinigay niya. Madalas daw in the past, hindi niya nababanggit ang mga magulang sa acceptance speech niya pero this time, sinabi niyang nagpapasalamat siya sa mga ito na pinalaki siya sa isang “cozy” o maayos na tahanan. At siyempre, panghuli o pang-finale at never nakalimutang pasalamatan nito sa mga speech niya ang kanyang mga fan o ang kanyang “Airens” na ayon kay Seun­g Gi, dahilan kung bakit siya naging isang entertainer.

Bahagi ng halos kulang 10 minutes speech niya, “I had a vague dream when I was younger of winning this award, and now that I’ve received it, thismade me think that the moment when you’re drea­ming is the most exciting feeling. As I feel the weight of the Grand Award, I have mixed emotions.”

Sinabi rin niya na alam daw niya na hindi niya matatanggap ang naturang award kung sa sarili lang niyang kakayahan kung hindi dahil sa mga natutunan niya sa mga senior niya sa entertainment tulad nina Yoo Jae Suk at siyempre, sa kanyang mentor na si Kang Ho Dong. Nabanggit din niya na hindi man daw nakarating si Ho Dong sa gabi ng parangal pero alam daw niyang masaya ito para sa kanya.

Pinasalamatan din niya ang mga co-stars niya sa MITH na sina Yook Sungjae, Lee Sang Yoon at Yang Se Hyung na nanalo rin sa iba’t ibang kategorya.
Sa speech ni Seung Gi, inamin niyang dahil ang MITH nga ang pinili niyang comeback variety show nang ma-discharge sa military, may ilan daw na nagpakita ng “concern” sa naging choice niya.

Aniya, “When I first chose to appear on ‘Master in the House’, there were many people who were concerned. I had just been discharged from the Army and still wasn’t used to being back in society, and I was ner­vous too about taking on a new challenge during that period of time. But after star­ting to do it, I learned about a new path. In 2019, I won’t be afraid to take on new challenges. I won’t follow the safe path and will keep walking my own path, even if I fail. I’ll have cou­rage. Please support me a lot.”

As always, hindi nakakalimutang pasalamatan ni Seung Gi ang kanyang management, ang Hook Entertainment, especially Kwon Jin Young na simula high school daw siya, nag-train sa kanya at noong unang sumabak siya sa variety na pakiramdam niya, hindi niya kakayanin, ito ang nagbigay ng encou­ragement sa kanya at sinabing, “even If I don’t do well now, it will be good for ten years.”

Napakagandang regalo sa pagtatapos ng 2018 para sa Triple Threat Star ng kanyang Daesang Award lalo na at sa 2019 ay mas marami pang aaba­ngan sa kanya.

Ang pagpapatuloy ng Master in the House tuwing Linggo ng gabi sa SBS at ang bago niyang crime-investigative variety show na “Busted” sa Netflix at ang much-awaited drama niya na “Vaga­bond” sa May.

Not to mention, ang inaasam ng lahat ng mga tagahanga niya na pagba­balik niya rin sa music at concert scene.