Ilang beses nang napatunayan na tuwing mapi-feature ang Triple Threat Star na si Lee Seung Gi sa SBS’ Sunday variety show na “All the Butlers” na kumakanta ay trending sa ilang online sites sa South Korea, partikular na sa naver.com.

Last Sunday, isa sa mission or task ng apat na miyembro ng “All The Butlers” ay maka­gawa ng adverti­sing campaign or music video para sa kanilang programa. Ang Sabu o Master nila sa nakaraang dalawang episodes ay ang comedian/host/MV director/CEO na si Yoo Se Yoon.

Isang line lang halos ang ni-record ni Seunggi, pero from the real time sa Korea ng Jibsabu (All the Butlers) nagsimula na itong mag-trending and ended as number one kahit na kinabukasan na.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito, sa isang episode rin ng show na kumanta sa videoke room si Seunggi ng isang kanta. Maikling part lang din ang ipinalabas, nag-trending din ito ng ilang araw at million views na ang inabot.

Iisa ang conclusion ng lahat, sobra na ang pagka-miss sa actor/host/singer na marinig at mapanood siya bilang isang singer muli.

Mula kasi nang buma­lik siya from military hindi pa siya bumabalik sa pagkanta at concert.
Last year ay nangako siya na magkakaroon ng music comeback, pero dahil sa napakarami niyang commitments including his endorsement shoots, drama, movie, hosting & variety, hindi niya ito nagawa.

Halos lahat ng mga fan niya (Airens) ay umaasang ngayong 2019 na ito magkakaroon ng katuparan.
Ilan naman sa mga comment ng netizens na mababasa sa naver.com at naging hot topic kaugnay ng short singing­ clip niya noong Linggo nang gabi, “too high quality,” “Seunggi oppa I beg you to make a rock album,” “The sound is too good,” “Lee Seunggi ballad are already very good, but this rock voice is really too fond of, so please come up with an album.”

First love ni Seunggi ang singing at ito ang naging daan niya sa Korean entertainment bago pa man siya makilala bilang isang mahusay na actor at host. Ang debut single niya na “Because You’re My Woman” ay naging instant hit agad at makokonsider na sigurong isa sa mga classic song especially for noona’s theme song.