tonite-annyeong-rose-garciaMaganda ang unang anibersaryo para sa SBS’ variety show na “Master in the House” o “Jibsabu”. Napasali sila sa list ng December Variety Show Brand Reputation Ranking.

Although nasa top 20 pa ang Master in the House among the variety shows, masasabing malaking achievement na rin ito. Kara­mihan kasi na nakakasama sa list ay maraming taon at episodes na ang existence sa South Korea. Maliban lang sa Top 1 sa brand reputation na “Baek Jong Won’s Alley Restaurant”. Isa itong cooking show.

December 31, 2017 nang mag-pilot ang Sunday variety show na ito ng SBS. Nagsilbing comeback sa variety show ng Hallyu Star na si Lee Seung Gi pagkatapos niyang ma-discharge sa mandatory military service noong October 31, 2017.

Ngayong gabi ng 5:30 K.S.T. ang simula ng kanilang anniversary special. Sa opening ay ipapakita ang pagbabalik nila sa unang location. Nagtagpo ang apat na regular members ng show na sina Lee Seung Gi, Yang Se Hyung, Yook Sungjae at Lee Sang Yoon.

Nag-reminisce ang apat kung gaano pa sila ka-awkward sa isa’t isa noon. Aminadong hindi pa sigurado kung aabutin nga sila ng isang taon sa ere. Kaya lahat ay masaya na one year na ang show nila with ha­ving different guest “Master”.

Sabi nga ni Yang Se Hyung, ngayon daw relax at talagang komportable na sila sa isa’t isa.

Ayon naman kay ­SeungGi na nagsisilbing leader ng show at nagdadala ng Master in the House, “We didn’t expect that this would go on for a year, but thanks to your love we were able to come this far. We’ve all become precious to one another. The time we spent, one year, is also really precious. Let’s keep going until our 2nd anniversary. Please give us your support so we can reach our third anniversary and over 100 episodes. Also, we are always looking for amazing teachers, so please contact us.”

Espesyal nga ang episode ng Master in the House ngayong gabi maging ang apat na miyembro ay hindi makapaniwalang ang pinuntahan pala nilang bahay ay ang mismong bahay ng South Korean actress na si Son Ye Jin as their new Master.

Base sa trailer ng show, naghanda ng congratulatory cake si Ye Jin at marami rin daw itong hinandang pagkain at games para masigu­radong espesyal ang magiging pagdiriwang ng grupo sa unang ani­bersaryo nila.

Si Son Ye Jin ang female lead sa isa sa mga popular drama ng taong ito na “Something in the Rain.” Sigu­rado, ang apat na miyembro ay magpapa­ligsahan kung sino sa kanila ang mana­nalo sa panlasa ng kanilang ­magandang Master.

Sa bansa, napapanood naman ang MITH simula Lunes ng hapon sa VIU.