Legacy! Fajardo focus sa 5-peat ng SMB

Naka-focus si June Mar Fajardo sa magagawang tulong para maihatid ang San Miguel Beer sa panlimang sunod na korona sa PBA Philippine Cup.

“History ‘to ‘pag nanalo kami ng five-straight,” bigkas niya.

Hindi aniya basta-basta mababasag kung sakali ang limang sunod, kaya kailangan nilang dakmain ang oportunidad na minsan lang dumara­ting at mahirap maibalik.

Hindi na rin bumabata ang kasalukuyang core ng Beermen. May average age na 33.4 years sina Chris Ross, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Fajardo. Pinakamatanda si Santos (37), pinakabata sa starters si Fajardo (29).

“Tumatanda na rin kami, nagkakaedad na. ‘Di na maibabalik ‘yung opportunity,” dagdag ng five-time MVP. “Habang nandito kami sa sitwasyon na p’wede naming maipanalo ‘yung championship, grab namin.”

Gusto rin niyang gumawa ng pangalan, masama sa kasaysayan. Alam niyang hindi magtatagal at hindi pang-habambuhay ang career sa basketball kaya sinasamantala.

“’Pag may history kami, kahit wala na kami, mapag-uusapan pa rin kami. Na kasama kami sa conversations na ‘yung San Miguel, sina June Mar, nakagawa sila ng five-peat,” paliwanag ng Cebuano.

“Kahit wala na kami sa PBA, mababanggit ‘yung pangalan namin. Malaking­ karangalan ‘yun para sa akin.”

May six titles total na si Fajardo sa SMB, hindi pa siya nagsasawa.
Pero para makuha ang pampito, kailangang laktawan ang Magnolia Ang Pambansang Manok na mabigat na ring kalaban.

“Galing sila sa championship last conference (2018 Governors Cup), tapos matagal na rin ‘yung samahan nila,” punto ni Fajardo. “Sabi rin ni (Hotshots) coach Chito (Victolero), ‘yung maturity nila (nandiyan na).”
May experience daw ang San Miguel lalo sa all-Filipino, pero hindi bentahe ‘yun. (Vladi Eduarte)