Tuluyan nang ipinasa ni Catriona Gray ang korona sa bagong hirang na Miss Universe 2019. Nakamit ni Zozibini Tunzi mula sa South Africa ang titulo.

Emosyonal hindi lang si Catriona kundi maging ang mga netizen sa kanyang pamamaalam sa Miss Universe. Nakaka-touch naman kasi ang mensahe niya para sa kanyang mga kababayan.

Aniya, “I’ve always believed that as women, we have the power to redefine our generation. When we raise our voices together, the words ‘woman power’ become more than just a phrase, they become a movement.”

Marami sa mga pageant fan ang hindi pa nakakaget-over sa bonggang pagkapanalo ni Cat sa Miss Universe. Kaya naman hindi malilimutan ang kanyang performance rito. Sey ng mga netizen, siya ang pinaka-da best na beauty queen at mananatili ang kanyang legacy sa mundo ng pageantry.

Labis ding natuwa ang mga netizen sa pagiging proud ni Catriona na gamitin ang Philippine colors. Sa kanyang farewell walk, suot ng beauty queen ang kulay asul na gown na likha ng fashion designer na si Mak Tumang. (Rona Ronda)