MAGPUPUGAY ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa yumaong Senador Miriam Defensor Santiago ngayong Linggo, pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA 7.

Babalikan ng KMJS ang mga hindi mali­limutang sandali at mga pinakawalang salita ng Senadora, kasama na ang panayam sa kanya noong 2014 ni Jessica Soho kung saan pinag-usapan nila ang sari-saring paniniwala ni Miriam — mula sa kanyang pamilya, ang iiwanan niyang legacy at maging ang pagtingin niya sa kamatayan.

Binansagan si Miriam na “Iron Lady of Asia” dahil sa laban niya kontra graft & corruption.

Kilala rin siya sa kanyang maaanghang na pa­nanalita, quotable quotes at pick-up lines.