Legislative calendar apektado sa COVID 19 crisis

Pag -uusapan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na baguhin ang kanilang legislative calendar kung kinakailangan dahil sa pagpapatuloy ng COVID-19 crisis.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, may ipinadala nang komunikasyon ang Kamara sa Senado sa pamamagitan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na naglalaman ukol sa posibleng pagbabago ng kanilang legislative calendar.

“Two weeks ago, Senator Migz Zubiri, the majority leader, already communicated that let’s play it by week, kung kaya May 4. But let me assure the public that if ever we move the calendar so that we can be more responsible and practice social distancing, we will tackle that week by week,” ayon kay Cayetano.

Kasalukuyan ay nasa Lenten break ang Kongreso at nakatakdang magbabalik -sesyon sa Mayo 4.

Tiniyak naman ni Cayetano na handa silang magdaos ng special session kung kinakailangan.

“All of us a grappling what will be the new normal, or do we go back on May 4 or virtual pa rin muna. That’s being discussed but let me assure you, whatever is best for the nation, however way we can help,” dagdag ni Cayetano. (Eralyn Prado)