Binuweltahan ni Senadora Leila de Lima si Deputy Minority leader Harry Roque at sinabihang huwag sumawsaw sa kanyang kasikatan.
Kaalinsunod ito sa panibagong ethics complaint na inihain kahapon ng kongresista laban sa senadora na may kinalaman umano sa pakikipagsabwatan nito kay Party-list Rep. Ron Salo para patalsikin siya sa kanilang partido.
Giit ni Roque, nagsabwatan umano sina De Lima at Salo para mapatalsik siya dahil sa naging istilo umano ng pagtatanong nito noon sa dating driver at lover ng senadora na si Ronnie Dayan.
Tugon ni De Lima, hindi niya kilala si Salo at wala siyang natandaang sila’y nagkaroon ng anumang ugnayan dito.
Dahil dito, ayon sa senadora, kung gustong sumikat ni Roque ay huwag na siyang idamay pa dahil wala siyang panahong makialam sa internal affairs ng kanilang partido.
“If he wants to be relevant and be in the news again — which is presumably why he is dragging my name into their intra-party dispute — do not do it at my expense. I have no interest in meddling with their internal party affairs,” ayon pa kay De Lima.
bak la kasi bak la kasi bak la kasi bak la
Pinaalis na siya sa Party list niya pero kapit tuko pa rin.
Dapat noon pa ay pinarusahan na si Roque Ng ipagtanggol niya ang Aleman na pumasok sa bakuran ng militar.
Gusto kasi ni Roque magpasikat nagpapalapad ng papel kay presidente baka sakaling mapansin di sikat nga siya.