Leni sa Kamara: Espesyal ba kayo kesa ibang opisyal ng gobyerno?

Kinastigo ni Vice President Leni Robredo ang inaprobahang resolusyon ng Kamara upang higpitan ang paglalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga kongresista.

Tanong tuloy ni Robredo sa mga mambabatas: “gusto bang sabihin mas espesyal sila kaysa sa ibang mga public servants?”

Sa ilalim ng bagong patakaran, kailangan ­munang aprobahan sa sesyon ng Kamara ang ­request sa kopya ng SALN.
Ang bawat kopya nito ay nagkakahalaga ng P300 kaya’t kung hihingin ang SALN ng 291 kongresista, kailangan pang magbayad ng P87,300 ang gumawa ng request.

“Parang lalong binabawasan ang pagtitiwala ng tao sa kanila,” sambit ni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.