Leni walang alam, ‘wag kang tumakbo

Pinayuhan ni Presidente Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na ‘wag nang tumakbo sa pagka-pangulo sa susunod na eleksyon dahil wala umano itong alam.

Nagbabala pa ito na hindi mapupunta sa mabuting-kamay ang bansa kung si Robredo ang nagiging lider nito
Sa exclusive interview ng CNN Philippines, mu­ling binanatan ng Pangulo si Leni dahil sa halos tatlong linggo nitong pag-upo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay sinabi pa ng Pangulo na noong una pa man ay nasa isip na niyang sibakin si Robredo bilang anti-drug czar.

“I fired her in my mind. Noon pa, first day pa lang nu’ng sabi niyang punta siya sa (when she said she would go to the) US Embassy,” sabi ni Duterte sa one-on-one interview.

Sinibak umano niya ang Bise President dahil sa pakikipag-usap nito sa mga opisyal ng United States Embassy at United Nations.

“Talking to so many nations” sabi pa ng Presidente.

“She is making an asshole of herself. Mino-monitor ko siya, she started talking to so many nations, United Nations, American Embassy tapos she invited the human rights. Kung magsalita ka ng ganu’n andiyan ka tapos gano’n ang tingin mo sa akin, eh loko-loko ka pala,” dagdag pa ng Pangulo