‘Let us be guided’ — VP Leni

Leni Robredo

“Let us be guided by His sacrifice and grace — choosing to be agents of joy and peace instead of hate and contempt.”

Ito ang bahagi ng Easter Sunday message ni Vice President Leni Robredo sa mga Kristiyano na nagselebra ng Easter Sunday kahapon na siyang pagtatapos ng Semana Santa.

Ayon kay Robredo, kailangang isaisip ng lahat na namatay si Jesus sa krus para tayong mga tao ay mabuhay at dapat isaisip ang dahilan kung bakit siya muling nabuhay.

“The message of the Risen Christ is one of hope and courage. May we all be reminded that the grace we receive from Him is not for us alone, but a gift we must share with others,” ayon kay Robredo.

Si Robredo ay naging biktima ng pagkamuhi sa hanay ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong kontrahin ang extrajudicial killings sa gitna ng giyera ng gobyerno kontra droga.

Lalong pinagpistahan ng kanyang mga kritiko si Robredo dahil ini-report nito sa pamamagitan ng video message sa United Nations (UN) ang nangyayaring patayan sa Pilipinas.

Bago ang Semana Santa ay pumalo na umano sa 8,000 katao ang namatay sa giyera kontra ilegal na droga kung saan mahigit kalahati rito ay kagagawan umano ng mga vigilantes.