Letter to the Editor: ‘Wag sakyan ang isyu

Dear Editor:

Huwag nating gawing isang malaking isyu ang nangyari sa bakbakan ng tropa ng Amerikano at ng ating kapulisan sa Palawan. Ito ay usaping pang­kalasingan. Kahit sino kapag nakainom na ay talagang wala na sa hustong kaisipan.

Wala ng sinasanto at wala ng pakialam kung saan sila naroroon. Kapag nahimasmasan na saka ito hihingi ng patawad sa kanyang mga nagawang saliwa sa kagandahang asal. Bigyan natin ng pagkakataon na maka-move on ang magka­bilang-panig. Huwag na nating sakyan ang isyung ito para hindi na lumaki ang isyu.

MIGUEL A. SERRANO
Puerto Princesa, Palawan

***

Dear Sir,

Nais ko lang pong magkumento tungkol­ sa rape remarks ni Mayor Duterte na naglabasan sa mga dyaryo itong nakakaraang araw. Mas­yadong garapal kung magsalita si Mayor­ Duterte. Kahit sa maraming tao ikinu­kwento niya ‘yun. Wala daw siyang paki-alam kahit matalo pa siya sa pagkapangulo, hindi siya magsosorry sa mga nasasabi niya.

Ito ay ang kwento niya sa isa sa kanyang pa­ngangampanya tungkol sa pangyayari sa isang Australian lay missionar­y na si Jaquiline Hamill na isang rape victim at pinatay pa sa Davao noong 1989, na nag-viral na rin sa social media. Parte ng nasabi ni Mayor Duterte, “Ang nagpasok sa isip ko nirape nila, pinagpilahan nila dun.

Naga­lit ako kasi nirape nila? Oo, isa rin yun. Pero napakaganda, dapat ang mayor ang nauna. Sa­yang.” Maganda ba ito, kahit biro lang, walang matinong tao ang nagbibiro ng ganito. Isipin mo na lang na kung sa nanay mo, kapatid mo o anak mo nangyari ito tapos ikukwento ng isang l­alaki na sana siya ang nauna. Matutuwa ka ba? Naku!!!

Hindi ata maganda kung siya ang magiging pangulo natin. Paano tayo uunlad niyan? Paano magiging matiwasay ang pamumuhay natin?

VIVIENNE B. PABUSTAN
Alaminos, Pangasinan