Inabangan ko talaga ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte dahil gusto ko masaksihan ang mga plano niya sa ating bansa at hindi nga ako nabigo.
Ang isa sa pinaka powerful message ni presidente ay “While I believe in the separation of Church and State, I believe there should be no separation of God and State”, lumabas pa rin ang takot sa Diyos ni Duterte kahit berdugo siya na maituturing ng iba.
Sumasang-ayon rin ako sa kanya sa pagpapalakas ng ROTC dahil nagpapakita ito ng pagmamahal sa bayan, ang pagprotekta sa karapatang pantao at pagrespeto sa tribunal ruling sa West Phil Sea.
Halos kumpleto rekados ang inilatag niya para sa ating bayan lalo na ang muling pagkakaroon ng usaping pangkapayapaan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF upang matapos na ang ilang dekada ng kaguluhan at madugong giyera laban sa mga komunista.
Ang isa pa sa mga unang pinangako n’ya ay ang laban kontra droga, marami na nga ang nahuli, sumuko at sa kasamaang palad ay pumanaw dahil sa paggamit at pagtutulak ng bawal na gamot.
Ang hihintayin pa ng taumbayan ay ang pagdurog ng militar sa teroristang Abu Sayyaf upang matigil na ang paghahasik ng karumal-dumal na krimen hindi lang sa mga turistang banyaga kundi lalo na sa kapwa Pilipino kristyano man o muslim na siyang tunay na biktima ng karahasan sa Mindanao.
Eric S. Tubigan
Libis, Quezon City
***
Mahal na Editor:
Nagmarka sa kasaysayan ang unang SONA ni President Duterte dahil bukod sa ito na ang pinakamahaba sa lahat ng SONA ng mga naging Pangulo ng bansa ay ito rin ang naging pinakamapayapa. Ang panggugulo na gawain noon ng mga raliyista ay napalitan ng suporta.
Nakakatuwang isipin na isang Rodrigo Duterte pala ang makakagawa nito. Kitang-kita ang sinseridad sa bawat mensahe na kanyang binigkas at kasama na nga doon ang agarang unilateral ceasefire ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF na in-announce ng pangulo pero sana sincere din ang mga rebelde sa panawagang ito at patunayan nila na suportado nila ang pagbabago sa gobyerno
at sila rin mismo ang titigil ng kaguluhan laban sa mga sibilyan lalo na sa mga kabataan na madalas nilang narerecruit para maging miyembro.
Romeo S. Talavera
Lucban, Quezon