Dahil sa pagpapahintulot ng quarrying operations sa kanyang lugar nang walang kaukulang permiso ay kinasuhan ng graft ng Ombudsman si Babatngon Leyte Mayor Charita Chan at ang quarry operator na si Christopher Estrella ng CSE Builders.
Ayon sa Ombudsman, 2014 nang payagan ni Chan ang quarrying operations sa Salug Dongon River kahit walang extraction permit na nakuha ang CSE Builders mula sa Provincial Governor.
Lumilitaw na ni-lobby ni Chan sa kanyang mga barangay officials na magpasa ng resolusyon na nagsasaad ng ‘di pagtutol sa quarrying activities kapalit ng pangako na babayaran ang utang sa electric bills ng barangay at pag-sponsor ng bingo game.