Patay ang isang traffic enforcer matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Villaba, Leyte kamakalawa.

Nagtamo ng tatlong tama ng punglo sa katawan na naging sanhi ng agarang kamatayan ng biktimang si Jehinio Gaspay.

Samantalang sa Cotabato City naman ay patay din sa pamamaril ang dating pulis na si Jimmy Bagundang.

Ayon sa imbestigasyon, nakarinig ang mga residente ng limang magkakasunod na putok.

Matapos nito, nakita na lamang nila si Bagundang na nakabulagta at wala nang buhay.

Iniimbestigahan na kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen.