LGBA ‘Breeder’ race: Junsay, 12 pa ragasa

Tiyak ang matinding aksyon sa pagpapatuloy ng “2019 LGBA Breeder of Year” race ngayon, Biyernes sa Pasay City Cockpit tampok ang third round elims.

May 12 miyembro na ng Luzon Gamecock Breeders Association ang umiskor ng tigatlong panalo para sa magandang umpisa sa ‘Breeder’ race.

Sila ay sina 2018 LGBA Breeder of the Year Jimmy Junsay at katropang si Dennis Reyes, Mark Calixto, Carlos Tumpalan, Ronald Barandino, Fernando Meneses, Toto Gregore, Jeffrey/ Aylwyn Sy, Val Bertes, Francis Guevarra, Edwin de Guzman, Mel Lim at Rep. JV Bernos.

May tatlo pang elims round sa first leg sa Sept. 16 at 18 at Oct. 3 sa LGBA series na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Bitaw ang final rounds sa Oct. 7 para sa 1, 1.5 at 2 points, at sa Oct. 11 para sa may mga 2.5 at 3 points.

Para sa first leg, 7-stag derby at 3-4 format, na may garantisadong P5M prizes.

Ang 2019 Breeder of the Year awarding ay sa Oct. 28. (Enjel Manato)

Karera resulta

Karera programa

Karera tip