Pangalawang taon nang nakikiisa ang San Juan City government sa pagdiriwang ng (lesbian, gay, bisexual and transgender) LGBT Pride March.
Sinimulan kahapon ng LGBT Pride March ang seremonya na nagsimula sa San Juan City Hall patungo sa Pinaglabanan Street hanggang sa Tanghalan ng Masa sa N. Domingo Street.
Ang proyektong ito ay mula sa pakikiisa ni San Juan City Mayor Guia G. Gomez, City Vice Mayor Janella Ejercito Estrada, at 5th City Council bilang pagkilala sa mga LGBT.
Ayon sa mayora, ginawa ito bilang pagkilala sa People Recognizing Individual Diversity & Equality (PRIDE) para mapalakas ang LGBT sa komunidad.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng international celebration ng World AIDS Day sa pag-promote ng HIV/AIDS awareness and prevention sa kabataan particular na sa LGBT communities.
Kasama si Mayor Menchie Abalos at ang buong puwersa ng Mandaluyong City government na nakiisa rin sa mga programa at adhikain ng LGBT. Katulad sa San Juan, nagpasa rin ng ordinansa ang Mandaluyong City bilang pagtugon at pagsuporta sa LGBT.