LGU exec bagong CADAC chair

Nanumpa si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan bilang bagong chairman ng Caloocan Anti-Drug Abuse Council (CADAC), layon umano ng mayor na mas palakasin ang kanilang paglaban sa lahat ng uri ng krimen na dulot ng paggamit ng ipi­nagbabawal na gamot sa Lungsod.

Ang anunsiyo nang pagpapalit ng pamumuno ng CADAC ay ibinalita mismo ni Malapitan sa oathtaking ceremony na ginanap sa firing range sa loob ng Caloocan City Police Headquarters sa kahabaan ng Samson Road ng nasabing lungsod.

Ang programa ay dinaluhan din ni Northern Police District (NPD) Director Roberto Fajardo.

Hindi naman umano nakadalo sa okasyon si dating CADAC chairman Vice Mayor Macario Asistio.

Matatandaang ang dalawang kapatid ni Asistio na sina alias Peting at Pachot ay makailang beses na ring nadawit sa mga gawaing may kinalaman sa iligal na droga, gayunpaman ay hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagpapalit ng pamumuno ng CADAC.