Hindi umano maipaliwanag ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan kung saan napunta ang P1bilyong environmental fees na siningil mula sa mga turista at dumarayong bakasyunista sa isla ng Boracay.

Inihayag ni House committee on tourism chairperson at Leyte Rep. Lucy Torres-­Gomez na sa P60 bil­yon na ­tourism receipts ng ­Boracay ay umaabot sa P1 bilyon ang halaga ng nakolektang environmental fees.

Gayunpaman, hindi umano matukoy ng local government unit (LGU) kung saan napadpad ang kinita sa environmental fee.
“That is also the question that was post in the committee which the LGU has not been able to answer to date. They we’re specifically asked with the P60B they got in tourism receipts, a billion was from environmental fees and they have not been able to account for that to this date. What they have done with it? That will be part of the basis of the plan of action that the government will take once all the facts are gathered,” paghahayag ni Torres-Gomez sa press briefing kahapon.

Binigyang-diin ng lady solon na masyado silang dismayado sapagkat may mga katanu­ngan pa rin sa isyu ng Boracay ang hindi nabibigyan ng kasagutan.

“That’s why I and the other members of the committee are just as frustrated because so many questions ­until now are still left un­answered,” anang kongresista.

Binanggit naman ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento na natalakay ang naturang usapin sa executive session o closed-door hearing ng komite noong Martes, Marso 20.

May gagawing hakbang na aniya ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno patungkol dito.

“Alam po namin (isyu sa environmental fees) ‘yan it was during an exe­cutive session yesterday kaya hindi puwedeng sabihin. Alam na namin ‘yan, may gagawin na ang DILG (Department of Interior and Local Government) d’yan,” sabi ni Sarmiento.