LGUs winarningan ng DILG kontra OFW

Binigyan ng babala ni Interior and Local Government Usec. Epimaco Densing ang mga Local Government Units (LGUs) na ipinagbabawal ang hindi pagpapapasok ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kani-kanilang lalawigan.

“Huwag na huwag ninyong ire-reject at magkakaroon tayo ng problema diyan,” banta ni Densing.

Sinabi ni Densing na nirerespeto naman nila ang health protocol na ipinatutupad ng LGUs sa mga makakauwing OFWs sa kani-kanilang lugar bilang pag-iingat sa COVID-19.

Nabatid na pipilitin ng gobyerno na mapauwi ang may 24,000 OFWs sa mga lalawigan sa loob ng apat hanggang limang araw.

Sa susunod umano na 45-araw, may darating pang mahigit na 40,000 OFWs sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Densing na wala pa naman silang natatanggap na reklamo laban sa mga LGUs.

Nanawagan rin si Densing sa publiko na dapat nating ilagay sa ating isipan na tayo ay may national health pandemic. (Juliet de Loza-Cudia)