Lian ramdam ang bagsik

Nawawala man sa showbiz circulation bilang dancer-actress, ramdam pa rin ang bagsik ng isang Lian Paz. Dati siyang star dancer ng EB babes at da­ting asawa ni Paolo Contis.

Pang-major prize sa raffle sa Christmas party ang kaseksihan ni Lian.

May hatid na init sa lamig na panahon ang kaseksihan ni Lian.

Sa panahon ngayon ng Kapaskuhan, parang isang seksing Sta. Claus ang dating ng alindog ni Lian na namimigay ng aginaldo sa kalalakihan. Ito’y ang pagbalandra ng ka-seksihan niya sa social media.

Hindi na kinakaila­ngang magpakita ng halos hubad niyang katawan sa Lian dahil sa one piece swimsuit nito busog na ang netizen.
Mistulang isang masarap na putahe sa noche buena ang alindog ni Lian.

Nagbibigay ningning sa mata ng mga barako ang ganda nito.

Parang nga­yon pa lang namumukadkad ang kariktan ni Lian. Hindi mo aakalaing may mga anak na ito.

Kung babalik ito sa showbiz at ipu-push ang kanyang pag-a-artista, puwede siyang makipagsaba­yan sa mga sexy actress.

Kung happy si Paolo sa piling ng dyowa niyang si LJ Reyes, siguradong nalulunod din sa kaligayahan si Lian sa kanyang karelasyon. (Rey Pumaloy)