Libo-libong katao nakinabang sa Ayala-UP contract

Nakalikha ng libo-libong trabaho ang kontrata ng Ayala Land Inc. (ALI) sa University of the Philippines (UP) para sa Technohub complex sa Diliman.

Nabatid din sa ALI na mula nang si­mulan ang operasyon noong 2008 ang ALI-UP partnership ay nakapagbigay na ng 50,000 trabaho.

Kasabay nito, nilinaw ng kompany­a na sa ilalim ng kanilang development lease agreement sa UP para sa Technohub property, ang premier state university ay tatanggap ng P171 per square meter kada buwan. Mas mataas ito sa P22 per square meter kada buwan sa loob ng taon na lumabas sa ilang online report na nabasa ni Presidential Spokesperson at chief legal counsel Salvador Panelo.

“This was derived from P4.23 billion in lease payments and P6 billion investment in 16 commercial buildings for a total amount of P10.23 billion over the life of the 25-year contract,” wika ng ALI.

Sa kabuuang lease payment, nasa P1.1 bilyon ang tinatayang pumasok mula 2008 hanggang 2018 habang P3.13 bilyon ang papasok mula 2019 hanggang 2033.

Ayon pa sa kompanya, sa 37 hectare property, 20 hektarya ang sakop ng Technohub habang ang apat na hektarya ay nanatili sa UP at ang 13 ektarya ay open space.

Bukod dito, sinabi ng ALI na kapag natapos na ang kontrata sa 2033, mapupunta sa UP bilang may-ari ng lupa ang 100% ng upa ng gusali.

“After 2033, UP as owner, will receive 100% of the buildings’ rent. UP also continues to own the land which has appreciated in value since the start of the partnership,” sabi ng kompanya.

Ang Ayala Laqnd ang nakakuha ng lease contract sa UP noong 2006 matapos na makatugon ang kompanya sa bid invitation at negotiated proposal na itinakda ng UP kung saan tinalo nito ang siyam na iba pang real estate developer.