Susugod sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City ang mga sabungero para sa pagsisimula ng RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby na may papremyong P4M.

Dahil sa mababang entrance fee, inaasahan ang libo-libong sabungero sa Roligon ngayon. Punong-puno ang RMC tuwing Linggo dahil sa hackfight na ganitong format din ang paiiralin para sa derby.

Pitong araw ang 3-cock elims na may P100,000 day champ prize sa January 30, February 6, 13, 20, 27 at March 5 at 12. Ang 2-cock finals ay sa Mar. 19 na para sa mga iiskor ng 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may P200,000 day champ prize at may Vortex motorcycle sa raffle draw, at sa Mar. 26 na may 3 pts. lang.

Tatanggap din ang champion handler at gaffer ng P100,000 at P50,000, ayon sa pagkakasunod, sa malaking pasabong ni Roligon CEO Dennis Ligon na may entry fee na P11,000 at minimum bet na P5,500.

Kasagsagan pa ang cockhouse reservation sa RMC office na makokontak sa 8519-7345, kay Shirley sa 0920-9509-090 at Tiling Capitan sa 0926-7134-069. (Enjel Manato)